Awit ng tagumpay

Wala lang. I just remembered. SSC 2006-2007 was Centennial Year and so we were the Centennial Batch. Usually, graduation song writing competitions would be in English but for that year we had it in Filipino. :)akalain niyo magaling kami mag Filipino. haha! 77 in Panitikan ako eh. :)) Posting here our grad song

Awit Ng Tagumpay by 4-Honesty

Hinahandog naming ngayon, hinasa sa kagalingan.

Sa amin magmumula, ang bagong kinabukasan

Isang daang taon, dala ang kahapon

Hahawiin ang hadlang, hububugin ang panahon

Di pa dito nagtatapos, ang awit ng aming buhay

Heto ang siyang simula ng aming pag-unlad

Salamat sa biyayang ipinagkaloob, kagalinga’y naitanim sa aming puso

Aming hain, aming alay, aming awit ng tagumpay. 🙂

Handa na ang landas na aming tatahakin

Sa bawat hakbang nasa puso ang siyang humubog sa amin.

Di pa dito nagtatapos, ang awit ng aming buhay

Heto ang siyang simula ng aming pag-unlad

Salamat sa biyayang ipinagkaloob, kagalinga’y naitanim sa aming puso

Aming hain, aming alay, aming awit ng tagumpay. 🙂

FORGOT 1 line. haha

Sa bawat tagumpay ngalan Niya’y  bibigkasin.

Salamat sa biyayang ipinagkaloob, kagalinga’y naitanim sa aming puso

Aming hain, aming alay, aming awit ng tagumpay. 🙂